Graduating student tinurbo ng CCM professor

ARESTADO ang isang college professor matapos ireklamo ng graduating student na kanyang pinagsamantalahan kapalit ng pangakong ipapasa sa kanyang subject.

Nakakulong na sa Manila Police District–City Hall Detachment (MPD-CHD) ang suspek na si Robert Torres, professor ng College of Business Administration sa City College of Manila (CCM) kinasuhan ng sexual Harassment ng kanyang estudyante na si Chil Crispino, 19.

Sa reklamo ni Crispino, pinangakuan umano siya ng suspek na ipapasa kapalit ng pakikipagtalik sa kanya.

Nauna umanong sinabi ni Torres na magtungo ang biktima sa kanyang tanggapan upang pag-usapan ang mga marka nito sa Franchising subject.

Ngunit sa halip umano na mag-usap ay dinala ng suspek ang biktima sa motel saka hinalay.

Sa takot na tuluyang bumagsak sa nasabing subject ay hindi na umalma ang biktima.

Gayunman, hindi umano tinupad ni Torres ang kanyang pangako dahilan para magsumbong si Crispino kay CCM College Department secretary Bernardo Masangkay hinggil sa ginawa sa kanya ni Torres.

Nang magsagawa ng imbestigasyon si CCM Dean Faustina Tolentino, nalaman na hindi lamang si Crispino ang ginawan ng kahalayan ni Torres kundi marami pang estudyante. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply