Graft vs Recom isinampa sa Ombudsman, DILG

MAGKASUNOD na kinasuhan ng patong-patong na kasong katiwalian sa tanggapan ng Ombudsman at sa Department of the Interior and Local Government si Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Pormal nang inihain kahapon ni Caloocan City Vice Mayor Edgar Erice ang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices (RA # 3019), Local Government Code of 1991 (RA No. 7160), Code of Conduct and Ethical Standards (RA No. 6713) and Section 171 of the Revised Penal Code (falsification of public documents) kaugnay sa nilagdaang MOA sa pagitan ng Gotesco Investments Inc.

Batay sa reklamo, lumagda umano sa isang kasunduan si Echiverri noong Sept. 19, 2008 sa pagitan ni Jose Go, pangulo ng Gotesco dahil sa bentahan ng lote na pag-aari ng Caloocan City sa halagang 22,685.82 kada square me-ters kung saan nakatayo ang kontrobersiyal na Gotesco Grand Central.

Ayon kay Erice, hindi ikinonsulta ni Echiverri ang kasunduan sa Sangguniang Panglunsod na siyang prior authority alinsunod sa  batas sa ilalim ng Sec. 22 (c) ng RA NO. 7160 at hindi isinumite ang naturang MOA sa Sanggunian para sa ratification na kinakailangan sa ilalim ng Sec. 455 (b) (vi) ng nasabing code.

Inakusahan din ng falsification of public documents si Echiverri dahil inilagay umano nito sa MOA na siya ang awtorisadong tao base sa ordinansa na makipagnegosasyon sa Gotesco ngunit nilagdaan umano ni Echiverri ang MOA nang walang pahintulot ng isang ordinansa o resolusyon mula sa Sangguniang para sa naturang bentahan.

Hindi umano nagbigay man lang ng kopya ng MOA si Echiverri kay Erice nang pormal itong hingin ng huli noong Jan. 14, 2011 hanggang sa ngayon.

Dagdag pa ni Erice, natalo ang Caloocan City govern-ment sa pinasok na kasunduan ni Echiverri na pumapabor ang napagkasunduan sa Gotesco.

Dahil sa nangyari hindi na umano masingil ng lokal na pamahalaan ng kaukulang buwis ang Gotesco dahil sa napagkasunduang bentahan ng lupang tinitirikan ng Gotesco sa halagang P182, 085,078.30 at huhulugan ng P30,000,000 kada buwan sa loob ng 36 na buwan.

Nabatid na nakapagbayad na umano ng halagang P910,425.30 ang Gotesco ng transfer tax at halagang P9,687,440.17 para sa real estate tax na naibayad sa City Treasurer’s office. – Alex Ching

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply