Gregorio Mendoza pinakakasuhan ng DOJ

INIREKOMENDA ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso sa mababang korte  laban kay SPO2 Gregorio Mendoza kaugnay sa August 23,2010 hostage-taking, Huwebes, Pebrero 3.

Kabilang sa mga kasong isasampa kay Mendoza sa korte ay ang pagiging kasabwat nito sa kasong serious illegal detention sa napatay niyang kapatid at hostage-taker na si Senior Inspector Rolando Mendoza, na kinasuhan din ng Manila Police District (MPD).

Batay sa 16 pahinang resolusyon na ipinalabas ni DOJ Assistant State Prosecutor Vimar Barcellano, may ‘probable cause” para iakyat ang reklamo laban kay Gregorio sa korte.

Sinabi ni Barcellano na nakipagtulungan si Gregorio para ituloy ng hostage taker na si Mendoza ang pagbaril sa mga hostage victim.

Bukod dito, si Gregorio rin umano ang naging dahilan ng pag-collapse ng negotiation para mapasuko ang kapatid na si Mendoza.

Napilitan umanong patayin ng hostage taker na si Mendoza ang mga turista nang mapanood sa telebisyon si Gregorio habang nagsisigaw at sinasabing papatayin umano siya ng awtoridad.

Kaugnay nito, inirekomenda naman ng DOJ ang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Mendoza. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply