Griffin wagi sa dunk contest

NAKOPO ni Los Angeles Clippers rookie forward Blake Griffin ang korona sa 26th NBA dunk contest sa NBA All-Star Saturday sa Staples Center.

Tinalunan ni Griffin ang isang kotse at isinalampak ng dalawang kamay ang bolang ipinasa ng teammate na si Baron Davis mula sa sunroof ng sasakyan para sa kanyang final dunk.

Kumakanta pa sa midcourt ang Crenshaw Select Choir ng “I Believe I Can Fly” noong gawin ni Griffin ang kanyang dunk stunt.

“The car was my idea from the start,” Griffin said. “They said there were no rules so I was like, ‘So I can jump over a car.’”

Naungusan niya si Washington Wizards seven-foot center Javale McGee sa final round.

“Definitely, he (Griffin) came prepared with a car,” ani McGee. “Nothing is going to beat that, unless I bring a plane out or something.”

Sinorpresa naman ni James Jones ng Miami Heat sina Boston Celtics superstars Paul Pierce at Ray Allen sa three-point shootout.

Kumana ng 20 puntos sa final round si Jones kumpara sa 18 ni Pierce at 15 ni Allen.

Sa Skills Challenge, dinaig ni Golden States Warriors playmaker Stephen Curry si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook sa final round. Tinapos ni Curry ang obstacle course sa loob ng 28.2 segundo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply