Grupong Gabriela binulabog ang DTI

SINALAKAY ng mga militanteng kababaihan ang gusali ng Department of Trade and Industries (DTI) upang iprotesta ang sunod-sunod na pagtaas ng pangunahing bilihin.

Ayon kay Gabriela secretary general Lana Linaban, naka-aalarma na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang kawalan ng aksyon ng pamahalaan sa ganitong pangyayari.

Bitbit ang mga resibo na idinikit ng grupong kababaihan sa malaking karatula at binansagan ang ahensya ng “Department sa Taas presyo Inutil” na umano’y walang ginagawa upang mapigil ang price hikes na lubhang nakapagpapahirap sa bansa.

Samantala, kinondena ng grupo ang DTI dahil walang ginagawa kundi i-monitor lamang ang presyo ng bilihin subalit hindi gumagawa ng paraan upang ibaba ang presyo ng bilihin.

Tinuran ni Libanan ang price commodities na palagiang binibili ng ina ng tahanan ay ang NFA rice na pumalo sa P27 kada kilo, habang ang asukal naman ay sumirit na sa halagang P65/kilo mula sa P39 kada kilo noong 2009.

Iginiit pa ni Libanan na noong  nakaraang taon, ang bote ng cooking oil ay nagkakahalaga lamang ngP14, na ngayo’y umabot na sa P30.

Napipinto naman ang pagtaas ng kape sa pamilihan at ang sunod-sunod na pagtaas na ito ang sanhi ng pagtaas ng tinapay na araw-araw nating kinakain sa almusal.

Nagbabala ang grupo na palalawakin pa nilang ang kanilang kilos-protesta upang gisingin ang administrasyon Aquino upang lutasin ang patuloy na pagtaas ng pangunahing bilihin. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply