Guinness’ world’s oldest person, namayapa na

NAMAYAPA na ang pinakamatandang tao sa mundo na si Eunice Sanborn sa edad na 114, kahapon, Pebrero 1 (petsa sa Pilipinas).

Si Sanborn ang naitala sa Guinness Book of World Records bilang pinakamatandang tao sa buong mundo.

Ipinanganak si Sanborn noong Hulyo 20, 1896 sa Lake Charles, Louisiana.

Ayon sa ulat, tatlong beses na nag-asawa si Sunbron subalit lahat ay naunang namatay sa kanya.

Sa pagpanaw ni Sanborn, naiulat sa CNN na ang taga-Monroe, Georgia na si Besse Cooper na ang itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply