Gumagamit ng CP habang nagmamaneho parurusahan

PAGKABILANGGO at libu-libong-pisong multa ang ipapataw sa mahuhuling nagte-text o tumatawag sa cellular phone (CP) habang nagmamaneho kung sakaling maipapasa bilang batas ang panukalang batas na nakahain sa Kongreso.

Nanawagan si Tarlac Rep. Susan Yap-Sulit sa mga kasamahang mambabatas na ipasa na ang House Bill 318 na kanyang inakdang panukalang nagdedeklarang krimen ang mapanganib na paggamit ng CP sa panahon ng pagmamaneho.

Sa ilalim ng panukala, ang tsuper o drayber ay pahihintuin ng traffic police sa sandaling ito ay mahuling nagte-text o tumatawag habang nagmamaneho.

“While cellular phones have become an integral part of both business and personal lives, the alarming figures on cellphone-related accidents have transformed this technological gadget into a dangerous device,” sinabi pa ni Yap-Sulit.

Aniya, hindi lamang delikado sa mga tsuper ang paggamit sa CP habang nagmamaneho kungdi maging sa mga pedestrian.

Ang mga lalabag dito ay mahaharap sa multang mula P3,000 hanggang P10,000 at pagkabilanggo na hindi hihigit sa isang taon.

Tinukoy pa ng kongresista ang ulat ng Philippines Global Road Safety Partnership (PGRSP) at Philippine National Police (PNP) na nagsasabing ang 70 cell phone-related accidents noong 2008 ay umakyat ang pigura sa 491 nitong 2009.

May mga nakabimbin pa ring mga katulad na panukala na inihain nina Reps. Aurelio Gonzales (Pampanga), Augusto Syjuco Ph.D. (Iloilo), Irwin C. Tieng (BUHAY) at Ma. Theresa Bonoan-David (Manila). Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply