Gutierrez pinatutuluyan na ni Belmonte

TULOY na ang impeachment proceedings laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez sa susunod na linggo.

Kinumpirma ito ni House Committee on Justice Chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. matapos mismong si House Speaker Feliciano “SB” Belmonte ang nagbigay ng go signal.

Ayon pa kay Tupas, ang susunod nilang hakbang ay pagbobotohan ang “determination and sufficiency of the grounds” na bahagi pa rin ng rules of impeachment.

Tiniyak ni Tupas na matapos ang naturang botohan ay agad sisimulan ng komite ang marathon hearing upang maihabol ang committee report sa susunod na buwan.

Kanina rin, Pebrero 22 sa pamamagitan ng botong 21 ang pabor at lima lamang ang tutol, inatasan na ng committee on justice si Gutierrez na maghain ng kasagutan sa loob ng tatlong session days kapag natanggap na ang  official notice sa dalawang impeachment complaints.

Ang komite ay nakatakdang mag-hearing sa March 1, 2, 8 at 9.

Naunang nag-mosyon si Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas, vice chairman ng komite kung saan kanyang binanggit ang naging pahayag ni SC Associate Justice Antonio Carpio na nabigyan lamang siya ng kopya ng petisyon ni Gutierrez na inihain noong September 13, 2010 kinabukasan o  September 14, 2010, ilang oras bago magsagawa ng en banc hearing ang SC na nagresulta sa pag-iisyu ng status quo ante order. Meliza Maluntag/Beth Aragon

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply