Gutierrez ‘wag personalin

HINDI dapat haluan ng pulitika at hindi rin dapat maging personalan ang isasagawang impeachment proceedings ng mga kongresista laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga kongresista na maging mahinahon sa gagawing pagdinig sa kaso, kasunod nang ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema na nagpahintulot sa Kongreso na ituloy na ang pagdaraos ng impeachment proceedings laban sa Ombudsman, na una nitong ipinatigil noong nakaraang taon.

Ayon kay Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), natutuwa siya sa desisyon ng Mataas na Hukuman dahil isang hakbang aniya ito upang masimulan na ang pagbabago kung talagang hindi ginagawa ng Ombudsman ang trabaho nito.

Gayunman, sinabi ni Pabillo na dapat maging mahinahon at ‘objective’ ang mga mambabatas sa kanilang pagtatanong upang hindi mahaluan ng pulitika ang pagdinig ng reklamo laban kay Gutierrez.

Hindi rin aniya dapat magkaroon ng personalan ang impeachment proceedings, at hindi rin dapat maging daan para sa publicity at grandstanding ng mga pulitiko.

Naniniwala naman ang Obispo na magandang pagkakataon ito para kay Gutierez upang maidepensa ang sarili at malinis ang pangalan.

Tiwala rin naman ang Obispo na ang impeachment ang tamang proseso upang malaman kung naging epektibo sa puwesto si Gutierrez sa paglaban sa corruption sa pamahalaan at kung hindi naman ay maari na siyang palitan o tanggalin sa puwesto. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply