Gutom ibinabala sa bansang Ehipto

MAYROON nang babala na posibleng magkakaroon ng gutom sa bansang Ehipto.

Ito’y dahil sa ilang araw nang kaguluhan doon sa kagustuhan ng marami na bumaba na sa puwesto ang Pangulo nilang si Hosni Mubarak na 30 anyos nang nanunungkulan.

Inaakusahan si Mubarak na korap at nasisira na umano ang kanilang bansa dahil sa kagagawan nito.
Parang rebolusyong EDSA ang nagaganap.

May pagkakaiba nga lang. Hanggang ngayon hindi pa bumibitiw ang mga pulis at militar kay Mubarak habang tinitipa natin ito.

Sa ating kasaysayan sa EDSA 1 at 2, ilang araw lang ang inabot ng puwersahang pagpapalayas ni Juan sa mga puwersa ng martial law at korapsyon noon.

oOo

Pero hindi sina Mubarak ang pinakamahalaga ngayon kundi ang kaligtasan at maayos na kalagayan ng ating mga overseas Filipino worker doon.

Mahigit isang daan na ang napapatay sa lugar sa sagupaan ng mga nagpoprotesta at mga puwersa ni Mubarak.

Libo-libo na rin ang nakalabas sa mga kulungan at kabilang sa mga nakalaya ang mga kriminal. Kaya naman, kung saan-saan na lang matatagpuan ang mga pagnanakaw at paninira sa mga tindahan at ari-arian.

Ibig sabihin nito, Suki, na hindi makalabas ang mga OFW na tumingin o bumili ng mga makakain lalo’t may utos sa kanila na huwag lumabas ng kanilang mga tinitirhan.

Derpor, gutom ang nakaamba sa mga OFW, kabilang na ang mga taong pamahalaan natin na nasa lugar.

Hindi magandang kalagayan ito lalo’t may halong posibleng pananakit o pagpatay sa kanila sa kanilang pagkakamali sa pagkilos doon.

Dapat ibuhos ng pamahalaan ang makakayanan nito laban sa gutom at kapinsalaan ng lahi ni Juan sa Ehipto.- Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply