Hamon kay Trillanes: Pagdawit kay GMA patunayan!

DAPAT patunayan ni  Senador Antonio Trillanes IV na sangkot nga si dating  pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa korapsyon sa militar.

“There must be evidence that exists. Kung may suspicion siya laban sa dating  pangulo, he must present his evidence to the public at the soonest possible time,” pahayag ni Senate President Juan Ponce  Enrile.

Matatandaan na  dalawang beses na nabigong pabagsakin ng grupo ni Trillanes ang administrasyong Arroyo  noong 2003 at 2007 na kung saan ay nakulong pa ito ng mahabang panahon.

At nang mabigyan ito ng amnestiya sa ilalim ng Aquino administration at nakaupo na rin bilang senador,  aktibo itong dumadalo at nagtatanong kaugnay sa pagdinig  ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa AFP scandal.

Ang isinasagawang imbestigasyon ang sinasabing ugat kung bakit biglang nagpakamatay si  dating AFP chief of Staff Angelo Reyes at ngayon ay sinabi ni Trillanes na may mas ” makapangyarihan pang tao ” na nasa likod ng anomalya sa Hukbong Sandatahang Lakas.

Sa pahayag ni Trillanes, bagaman hindi direktang pinangalanan nito, ang  korapsyon sa AFP ay maaaring umakya’t hanggang sa pinakamataas na tao,  ang  Pangulo ng bansa.

Ayon kay Trillanes, kung ang dating military comptroller na si Maj. Gen. Carlos  Garcia ay inakusahang nagkamal ng mahigit sa P303 million,. malamang na malaki pa rito ang nakukuha ng mas mataas pa sa kanyang puwesto.

Ang pahayag  na ito ng senador,  ani Enrile ay maaring patawan ng disciplinary  action kung walang dirketa at ebidensiyang sangkot si CGMA sa AFP scandal.

“He would be testifying under oath. If what he’s saying is true, he should have to stand the cross examination,” diin ni Enrile.

Gayundin,  pinaalalalahan ni Enrile  ang mga senador sa uri at tema ng  pagtatanong sa pagdinig kaugnay na rin sa ginawang pagpapakamatay ni  dating Defense Secretary Angelo Reyes na sinasabing nasalang sa trial by publicity.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply