‘Happy, Yipee, Yehey’ pantapat ng ABS-CBN sa ‘Eat, Bulaga!’

MAY bagong noontime show ang ABS-CBN na inaasahan nitong kakaribal sa “Eat, Bulaga!” ng GMA Network.

Ang “Happy, Yipee, Yehey,” na magsisimula sa Pebrero 12, ay gagampanan ng walong Kapamilya stars na kumbinasyon ng mga beterano at bagong host.

Ang programa ay pangungunahan nina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, John Estrada at Randy Santiago.

Matatandaang nagkasama na sina John at Randy sa “MTB” at matagal nang matalik na magkaibigan.

Sina Toni at Mariel naman, na nagkatampuhan kamakailan, ay nagkabati at nagkaayos na, salamat sa bagong show.

Makakasama ng apat sina Bentong, YouTube star Jobert, beauty-queen-turned-comedienne Bianca Manalo at PBB Double Up big winner Melai Cantiveros.

Ayon kina Melai at Bianca, kabado sila sa pagganap ng bagong papel bilang hosts ng isang noontime show. Gayunpaman, nagpapasalamat sila sa ibinigay break ng “Dos.” Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply