Hari ng Saudi, magpapamudmod ng $37-B

NAKATAKDANG mamigay ng halagang $37 bilyon sa kanyang mamamayan ang hari ng Saudi makaraang bumalik galing sa tatlong buwang pagpapagamot.

Bumalik si Saudi King Abdullah noong Miyerkules, Pebrero 23, galing Morocco kung saan siya nagpagaling matapos itong sumailalim sa isang back surgery sa New
York nitong nakalipas na Nobyembre 2010.

May ilang espekulasyon na ang pamimigay ni King Abdullah ng mga benepisyo ay
suhol sa kanyang mamamayan upang hindi mag-alsa laban sa kaniyang pamumuno tulad ng mga nangyayari sa karatig bansa sa Gitnang Silangan.

Ilan sa mga ipinangako ng hari ay ang pagtulong sa mga mahihirap ang middle income earner kabilang na ang pagtataas ng suweldo, pabahay at ang
pagtulong sa mga walang trabaho.

Napabalitang magsasagawa ng isang rally na tinaguriang “Day of Rage” sa Marso 11 na ipinapakalat sa facebook sa naturang bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply