Hatol sa kay Singson bukas na

PAGKATAPOS na ipagpaliban ng Wan Chai District Court sa Hong Kong ang pagbaba ng kaso ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, inaasahan na magkakaroon na ng linaw ang kaso nitong drug trafficking bukas, Huwebes, Pebrero 24.

Matatandaang nahulihan si Singson ng anim na gramo ng cocaine sa nasabing bansa ilang buwan na ang nakalilipas.

Ngayon, Miyerkules, magaganap ang mitigation ng kaso at bukas, Huwebes, ay inaasahang ilalabas ang pinal na desisyon ukol sa kaso ni Singson.

Ipagpapatuloy umano ang rehabilitation ng batang Singson kahit na ano pa ang kalabasan ng kanyang kaso.

Tatlo at kalahating taong pagkakakulong ang pinakamatinding parusa para sa kasong drug trafficking sa Hong Kong.  Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply