Hatol sa Vizconde massacre pinal na —SC

SA ikatlong pagkakataon, muling pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon na nagpapawalang-sala sa mga akusado ng kontrobersiyal na Vizconde massacre case.

Pinal nang ibinasura ngayong umaga ng SC ang inihaing second motion for reconsideration ni Lauro Vizconde, ang ama ng mga biktima.

Maalala na nitong nakaraang Pebrero 14, hiniling ni Vizconde sa Hukuman na baligtarin ang desisyon na nag-absuwelto kay Hubert Webb at sa anim iba pa kaugnay ng karumal-dumal na pagpatay sa kanyang asawa at mga anak.

Sa 21 pahinang mosyon, tinukoy ng petitioner na may nakuha silang mahalagang impormasyon na maaaring makaapekto sa ipinalabas na desisyon ng Korte noong Disyembre.

Kahapon ay pinatawan ng contempt of court si Vizconde dahil sa mga negatibong komento nito laban sa December 14 ruling at sa ilang mga mahistrado ng SC.

Pinagbabayad pa ito ng P100,000 multa ng Kataastaasang-Hukuman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply