Health cards ipamimigay sa Araw ng mga Puso

BILANG paggunita sa Araw ng mga Puso na ipinagdiriwang ngayon, Lunes, Pebrero 14, ay mamamahagi si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng libreng health card sa mga mahihirap na residente.

Magbibigay din umano ng  libreng blood pressure (BP) consultation, edukasyon at kaalaman kung paano mapangangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa lungsod.

Ipamamahagi ang 27,000 “green card” o “health card” para sa programang Navotas Hospitalization Program (NHP), kung saan magkakaroon din ng “Oplan Kilos Katawan”  na tatampukan ng Citywide Badminton Tournament kabilang na ang libreng aerobics, taebo at dance lessons.

Ang mga mamamayan ay maaring magtungo sa lahat ng mga health center sa lungsod, habang ang pagtuturo naman sa tamang kalusugan at pagkain ay gaganapin sa mga barangay at eskuwelahan. R.A Marquez

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply