Health cards ipamimigay sa Araw ng mga Puso

BILANG selebrasyon sa Araw ng mga Puso ay mamamahagi ang pamahalaan lungsod ng  Navotas ng libreng health card sa mga mahihirap na residente bukod pa sa mga programang kalusugan na nakahanda.

Sa programa ni Navotas John Rey Tiangco na may temang “Itaas ang Kalusugan sa Navotas”, magbibigay din ng  libreng Blood Pressure  consultation, edukasyon at kaalaman upang sa gayo’y mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa lungsod.

Kabilang din sa libreng ipamahagi ang 27,000 Green Card o Health Card para sa programang Navotas Hospitalization Program  kung saan magkakaroon din ng “Oplan Kilos Katawan”  na tatampukan ng Citywide Badminton Tournament kabilang na ang libreng Aerobics, Taebo at Dance Lesson.

Ang mga residenteng gustong magpakunsulta ng kanilang BP ay maaaring magtungo sa lahat ng health center sa lungsod na pinangangasiwaan ng city health office habang ang pagtuturo naman sa tamang kalusugan at pagkain ay gaganapin sa mga barangay at eskuwelahan sa pakikipagtulungan naman Department of Education. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply