Heart at vascular diseases top killers sa bansa

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging health conscious upang makaiwas sa heart at vascular system diseases na kabilang sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, halos 90-porsiyento na ng mga Pinoy sa ngayon ay positibo sa isa o higit pang risk factors ng sakit tulad ng physical inactivity, hypercholesterolemia, paninigarilyo, hypertension, obesity at diabetes.

Gayunman, maaari naman aniya itong iwasan kung matututo lamang ng healthy lifestyle ang mga mamamayan.

Mabuti aniyang paraan para makaiwas sa heart at vascular system diseases ay regular na pag-eehersisyo, at pag-iwas sa maaalat at matabang pagkain.

Mainam rin kung iiwasan na maging ang paninigarilyo at limitahan lamang ang intake ng mga inuming nakalalasing.

Ang payo ni Ona ay kasabay nang pagdiriwang sa bansa ng “Heart Month” ngayong buwan ng Pebrero. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply