Heat nabigong litsunin ang Bulls

UMANI ng suwerte sa third canto ang Chicago Bulls upang makahabol at talunin ang Miami Heat, 93-89 sa nalalapit ng matapos na 2010-11National Basketball Association (NBA) regular season.

Lamang ng siyam na puntos ang Heat matapos ang half time break, 53-44 subalit nahabol ito ng Bulls at nakalamang pa, 67-71 papasok ng huling canto.

Naitabla ni Heat forward LeBron James ang score sa 89 subalit sumagot ng 3-point play si Bulls forward Luol Deng sa left corner may 16 na segundo pa ang nalalabi sa final buzzer.

Si Derrick Rose ang umalagwa ng puntos para sa Bulls matapos tumikada ng 26 pts. anim na assists at limang rebounds habang 20 points ang naidagdag ni Deng upang manatiling nasa unahan ng Eastern Conference Central division na may 38-17 win-loss card.

Nakaraang buwan ay tinalo na rin ng Bulls ang Heat subalit maganda ang naging panalo nila ngayon.

Nakalamang pa ang Heat, 84-80, matapos magbuslo si Mario Chalmer ng 3-point at si James ng dalawang free throws may 4:52 pa ang natitira sa fourth quarter.

Umusok si Dwyane Wade ng 34 puntos, walong boards at dalawang assists habang si James ay nagtala ng 29 puntos, 10 rebounds at limang assists.

May 42-15 panalo-talo karta ang Miami Heat.

Samantala, sa ibang NBA resulta, sinilat ng Denver Nuggets at Boston Celtics, 89-75. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply