Heat pinaglagablab ni Lebron

IPINAHIYA ng Miami Heat ang Orlando Magic sa sarili nitong court matapos nila itong durugin sa iskor na 104-100.

Si LeBron James ay kumamada ng 51 points, 11 rebounds at 8 assists kabilang na ang team record na 23 points sa first quarter upang trangkuhan ang Heat sa kanilang ika-apat na sunod na panalo. Nagdagdag naman ng 15 puntos si Dwyane Wade at 13 si Chris Bosh.

Samantala, kabilang sa napiling reserves sa All-Star Game para sa Eastern Conference Kevin Garnett ng Boston Celtics. Ito ang ika-14 sunod All-Star seletion ni Garnett na pumantay sa record na hawak nina Jerry West, Shaquille O’Neal at Karl Malone para sa most consecutive selections.

Makakasama ni Garnett ang mga teammates na sina Rajon Rondo, Paul Pierce at Ray Allen.

Pinatawan naman ng multang $200,000 ang New York Knicks dahil sa illegal draft workouts.

Ayon sa liga, nilabag ng Knicks ang mga alituntunin na nagbabawal na kontakin ng teams ang mga players na eligible para sa susunod na rookie draft. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply