Heat sinilaban ang Pacers

NAG-apoy ang “Big Three” ng Miami Heat upang itarak ang kanilang 40th win matapos silaban ang Indiana Pacers 110-103 sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association regular season.

Umusok si Dwyane Wade sa first half at nag-apoy naman sina LeBron James at Chris Bosh sa fourth quarter upang manatili ang Miami sa tuktok ng Eastern Conference Southeast division na may 40-15 win-loss card.

Naitabla ni Wade ang franchise record na 31 pts. sa first half para tumapos ito ng 41 puntos, 12 rebounds at tatlong assists.

Nagtulong sa 4th canto sina James at Bosh na nag combined ng 19 sa 28 puntos ng Miami upang maka recover ang Heat sa paghahabol ng Pacers matapos ang 24 points lead ng una.

Gumawa si two-time NBA MVP James ng 27 points six boards at five assists habang 22 pts., walong rebounds at tatlong assists ang inambag ni Bosh.

Naka alagwa agad ang Heat ng 41-19 sa pagtatapos ng unang canto subalit nagawang humabol ang Pacers at lumamang pa ito (82-83) papasok ng huling period.

Kuntento at masaya naman ang coach ng Pacers na si Frank Vogel sa ipinakitang tapang ng kanyang bataan lalo na sina Roy Hibbert at Tyler Hansbrough na tumikada ng 18 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod.

Samantala, sa ibang NBA resulta, yumuko ang Sacramento Kings matapos silang makidlatan ng Oklahoma City Thunders, 96-126 habang pumurol ang kuko ng Charlotte Bobcats ng suwagin sila ng Chicago Bulls, 94-106. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply