Hero’s welcome kay Donaire, pinaghahandaan na
PINAGHAHANDAAN na ang isang heros welcome para sa bagong World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Council (WBC) bantamweight champion na si Nonito”The Filipino Flash” Donaire Jr. sa pag-uwi nito sa Pilipinas mula sa Estados Unidos
Puspusan ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Maynila upang maging maayos ang gagawing pagsalubong sa boksingero.
Naagaw ni Donaire sa Mehikanong si Fernando Montiel ang titulong WBO at WBC bantamweight champion sa ginanap na laban noong Linggo, sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada
Isang victory motorcade sa buong Maynila ang inihanda ng lokal na pamhalaan ng Maynila.
Wala pang eksaktong petsa kung kalian idaraos ang heros welcome kay Donaire dahil depende pa kung kailan babalik ng bansa ang boksingero.
Matatandaang pinabagsak ni Donaire ang Mehikanong kalaban sa ikalawang round pa lamang kung saan ginamitan nito ng left hook na sinundan pa sana ng upper cut, na hindi na umabot dahil bumagsak na ang Mehikano.
Bagama’t nakatayo pa si Montiel ay inawat na ng referee na si Russel Mora ang laban at si Donaire na ang idineklarang bagong kampeon sa pamamagitan ng technical knock out (TKO).
Sa ngayon ay may record na si Donaire ng 25-win, 0-loss, 1-draw at 18-knockouts. Jocelyn Tabangcura-Domenden
You must be logged in to post a comment Login