17 Pinoy bihag ng Somali pirates

KASAMANG binihag ng mga pirata ang may 17 Pinoy makaraang ma-hijack ang isang Greek oil tanker sa Somalia.

Batay sa ibinigay na pahayag ng Ernesel, operator ng Greek oil tanker sa Oman, nawalan na sila ng kontak sa Irene SL.

“This morning the vessel was attacked by armed men,” ayon pa sa ipinalabas na kalatas ng Enesel.

“For the moment there is no communication with the vessel,” saad pa nito.

Tinatayang 25 tripulante ang nakasaka sa Irene SL kabilang na ang 17 Pinoy, pitong Greeks at isang Georgian.

May kargang 266 na tonelada ng langis ang naturang sasakyang pandagat.

Nabatid na nagmula ito sa Gulf patungo sana sa Gulf of Mexico nang kubkubin ng mga pirata. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply