Himukin ang kabataan sa pagpapari – Papa

HINIKAYAT ni Pope Benedict XVI ang mga obispong Katoliko sa Pilipinas na himuking magpari ang mas marami pang bilang ng kabataan.

Ito ang mensaheng ipinaabot ng Papa sa mga obispo mula sa Visayas at Bicol na kasalukuyang nasa Vatican para sa kanilang “ad limina visit.”

Ayon kay Pope Benedict, lumalaki ang populasyon ng mga Katoliko sa Pilipinas kaya’t kailangang madagdagan ang bilang ng mga paring makatutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng Simbahan.

Iniulat na tumataas ang bilang ng mga paring Katoliko sa buong mundo. Batay sa official figure ng simbahan noong 2009, ang bilang ay tumaas ng 5,000 simula noong 1999.

“I pray that young Filipinos who feel called to priesthood and the religious life will respond generously to the promptings of the Spirit,” anang Santo Papa.

Kasabay nito, pinayuhan ng Santo Papa ang mga Obispo na patuloy na paalalahanan ang mga kabataan na ang “tunay na pakikipagkaibigan sa Panginoon” ang makapagpapasaya sa kanila at hindi ang pagiging glamoroso.

“I encourage you to continue to remind young people that the glamour of this world will not satisfy their natural desire for happiness,” anito. “Only true friendship with God will break the bonds of loneliness from which our fragile humanity suffers and will establish a true and lasting communion with others, a spiritual bond that will readily prompt within us the wish to serve the needs of those we love in Christ,” ani Pope Benedict. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply