HIV positive sa Pilipinas lomobo

NADOBLE pa ang bilang ng mga Pinoy na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) nitong 2010 na umaabot na sa 1,591 kumpara noong 2009 na nasa 835 lamang.

Tinukoy ni Arnel  Ty, LPGMA Party-list representative  ang ulat ng National HIV and AIDS Registry na “the country had the greatest accumulation of new HIV cases in 2010, up to 90 percent compared to 2009.”

Batay sa nakalap na datos ni Ty, umaabot na sa 6,000 ang bilang ng kaso ng HIV sa bansa o nadagdagan ng 174 bagong kaso nitong 2009 na naitalang pinakamataas simula noong 1984.

Sa buong taon ng 2009,  naitala ang bagong kaso ng HIV na 126 kumpara nitong nagdaang 2010 na nakapagtala ng may 176 bagong kaso ng HIV.

Kasabay nito naalarma rin ang  kongresista sa pahayag ng Philippine National AIDS Council na maaaring umabot sa 46,000 Pinoy ang magkakaroon ng HIV sa  pagsapit ng 2015.

Ito ay kung hindi agad malulunasan ng gobyerno o makapaglulunsad ng malawakan at epektibong pamamaraan kung paano lalabanan ang nakamamatay na sakit.

Si Ty ang  nagsulong sa resolusyon upang repasuhin ang 1998 AIDS Prevention and Control Law upang mas maging epektibo ang gagawing paglaban at pagsugpo ng gobyerno sa naturang sakit.

Sa kabuuan, ang National HIV and AIDS Registry ay nakapagtala ng 6,015 kaso at ang 857 dito ay maituturing nang full-blown AIDS cases.

Binanggit pa ni Ty na 90 porsiyento  o 5,406 kasong naitala ng Registry ay nahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, samantalang ang iba ay nahawa sa paggamit ng kontaminadong karayom at sanggol na nahawa sa kani-kanilang ina.

Ang House committee on population and family relations ay naunang inaprubahan para pagdebatehan sa plenaryo ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Kabilang sa  probisyon nito ay ang pagsusulong ng paggamit ng condom at makabagong contraceptives.

Maging si Pope Benedict XVI ay nagsabing ang paggamit ng condom ay maaaring katanggap-tanggap sa simbahang Katoliko kung ito ay gagamitin sa pagsugpo sa HIV/AIDS. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply