Hokus-pokus sa biglang pagbabago ng desisyon

HINDI pa man lumalabas ang desisyon ng Department of Justice ukol sa kasong syndicated at large scale illegal recruitment,estafa at pagnanakaw laban sa mga opisyal at empleyado ng Samsung Electronics Philippines Corp., tila pinangungunahan na ito ng     ilang matataas sa DOJ.

Matatandaang kinasuhan ng Temps and Staffers Inc. ang mga opisyal ng SEPCO dahil sa pamimirata nito ng 700 empleyado ng TSI. Ang mga kinasuhan ay pinangungunahan nina Kyung Chull Park, pangulo at CEO ng SEPCO, Boem Hee Lee, chief finance officer ng Samsung Philippines at iba pa.

Bukod dito, nag-isyu rin ng hold departure order at watchlist order ang DOJ laban sa mga suspek para hindi sila makalabas ng bansa dahil may kinahaharap silang mga kasong kriminal dito.Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin at binawi ng DOJ ang mga order na ito.Nag-isyu si chief Counsel Ricardo Paras III, na may basbas ng kanyang superior, ng order na bumabawi sa watchlist order para sa mga Pilipinong empleyado ng SEPCO na kasama sa kaso.

Ang nakagugulat ay tila dinesisyunan na ni Paras ang kaso. Ang ginawang “prejudgment” ni Paras sa kaso ay isang malaking pagkakamali dahil unang-una, hindi naman si Paras ang investigating State Prosecutor na humahawak ng naturang kaso laban sa SEPCO.

Ayon sa source, hiningi ni Paras ang opinyon ni Investigating Prosecutor Natilane Salvilla ukol sa watchlist order ngunit tumanggi ang huli na magbigay ng opinyon dahil ito ay maaaring masabi na nag-desisyon na sya sa kaso. Sa kabila ng hindi pagpayag ni Salvilla na magbigay ng opinyon, inilabas pa rin ni Paras ang order na nagbabawi sa watchlist order. Ang kaso, ayon sa source, may bagong Toyota Altis at  iba pa na kailangan umanong isailalim sa lifestyle check ang huli.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189¬27-4764,09266719269 o email juandesabog¬@yahoo. com.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply