Holdaper pinatawan ng ‘habambuhay’

PINATAWAN ng Manila Regional Trial Court ng 40-taong pagkabilanggo ang isang holdaper na bumaril at nakapatay sa isang babae sa Sta.Mesa, Maynila, anim na taon na ang nakalilipas.

Sa sala ni Judge Reynaldo Alhambra ng MRTC Branch 54, napatunayang nagkasala si Ricardo Marzo at nasentensyahan ng parusang “reclusion perpetua” o 40-taong pagkabillango sa kasong robbery with homicide.

Inatasan ding magbayad si Marzo sa naiwang pamilya ni Mary Joyce Lattao ng halagang P338,85.44 bilang kabayaran sa damages, gastusin sa ospital at sa libing ng biktima.

“In view of the conflicting versions of the incident presented by the prosecution and the defense, the court carefully scrutinized the evidence to arrive at the truth. The court finds that the prosecution has sufficiently shown that the accused committed the special complex crime of robbery with homicide”, ayon sa pitong-pahinang desisyon.

Sa rekord ng korte, si Lattao ay nabaril at napatay ni Marzo sa loob ng G-Liner Bus (TVM-620) na patungong Taytay, Rizal matapos na tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang pag-aari nang magsagawa ng holdap ang akusado sa Sta.Mesa, Maynila noong Pebrero 15, 2004.

Sa testimonya ni Mario Coquia, bus conductor, ang akusado, kasama ang hindi nakikilalang holdaper, ay nagdeklara ng holdap pagsapit sa Nagtahan Bridge at inutusan ang mga pasahero na  ibigay ang kanilang mahahalagng gamit.

Sa pagkakataong ito aytumayo si Lattao at kinompronta ang mga holdaper na ibalik ang kanyang gamit.

Naiirita umano si Marzo kay Lattao kaya’t binaril nito ng tatlong beses sa ulo.

Dinala sa Lourdes Hospital  si Lattao subalit idineklara itong pataya na. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply