Honasan bubusisiin ang P40-M PNP scam

INTERESADONG imbestigahan ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan ang maanomalyang P40-million “slush fund” scam sa Philippine National Police (PNP) na ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson.

Ayon kay Honasan, chairman ng Senate public order committee, isasangguni niya sa mga kapwa senador kung makapagsasagawa sila ng imbestigasyon upang makahanap ng ebidensya hinggil sa ibinunyag ni Lacson.

“I will propose to (other) senators to discuss whether to conduct an investigation regarding Lacson’s claims. Normally, there will be a resolution filed to seek the probe, and then we will see if the allegations have basis,” sinabi ni Honasan.

Nauna nang ibinunyag ni Lacson na may ibinibigay na P40-milyon pondo para sa PNP chief at credit card na may mataas na limit para sa gas na maaaring magamit ng halos 50 sasakyan sa operasyon.

Matatandaang sinabi ni Lacson, na naging PNP chief simula Nobyembre 1999 hanggang Enero 2001, na binuwag niya ang nasabing tradisyon at inilagay na lamang ang pera sa general fund para sa mga personnel at iba pang-operational activities.  Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply