Honeymoon nina Regine, Ogie sa first anniversary na lang

NAUDLOT ang nakatakdang honeymoon sana sa Italy ng bagong kasal na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Matatandaang ikinasal ang dalawa Disyembre 2010.

Plinano ng mag-asawa na mag-honeymoon sana sa Italy sa Abril, subalit hindi na ito matutuloy ayon kay Ogie.

Hindi naman nasabi ng singer/composer ang rason kung bakit naudlot ang kanilang pulo’t gata.

Pero ani Ogie baka matuloy ang kanilang honeymoon sa unang annibersaryo ng kasal nila ng Songbird sa Disyembre.  Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply