Hornets guard naaresto

DINAKIP ng Atlanta Police si New Orleans Hornets backup point guard Jarrett Jack dahil sa pagmamaneho habang nasa impluwensiya ng alak.

Ayon kay Snellville Police Chief Roy Whitehead, ang 27-anyos na dating Georgia Tech star ay pinara ng mga pulis matapos pumalo sa 66 mph ang takbo ng sasakyan sa 45-mph zone at paekis-ekis ang takbo.

Sinabi ni Whitehead na nabigo si  Jack sa isang sobriety test kaya agad itong dinala sa Gwinnett County jail at doon ay napatunayang lasing nga ito nang magmaneho.

Agad namang nakalabas si Jack matapos makapaglagak ng piyansa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply