Hotel, motel lugi sa Valentine’s Day

BUMABA ng tinatayang 20% ang kita ng mga hotel at motel sa nakalipas na Araw ng mga Puso dahil umano sa posibilidad na ramdam pa rin ng mga Filipino ang kahirapan.

Sinabi ni Nelson Ordonez, manager ng Hotel Sogo-Edsa-Taft Avenue sa Pasay City, halos naging kapantay lamang ng normal nilang araw ang dating ng mga kustomer nitong nakaraang Araw ng mga Puso kaysa sa inaasahan nila na pagdagsa ng magsing-irog.

May 20 porsiyento umano ang ibinaba ng bilang ng kustomer nila kahapon kumpara sa naitala nila noong Pebrero 14, nakaraang taon.

Sinabi nito na ang paghina ng kostumer ay dahil hindi pa pagsuweldo at wala pang kinsenas habang marami na rin lalo na sa mga mag-asawa ang nagtitipid sa pagselebra ng naturang araw.

Sa halip na magpalipas ng magdamag sa mga hotel, mas ninanais na lamang ng mga magkabiyak na sa bahay na lamang at gawing simple ang selebrasyon.

Inaasahan naman ng mga hotel at motel owner na aakyat ang kanilang customers sa mga susunod na panahon kung magkakaroon na ng pagbabago ang ekonomiya at buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng bagong pamahalaang Aquino. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply