House arrest kay Ping pinaboran ng DOJ

PABOR ang Department of Justice na isailalim sa house arrest si Lacson sa oras na magdesisyon ito na lumutang na kaugnay ng pagkakasangkot sa Dacer-Corbito double murder case.

Iginiit ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi pa pinal ang  desisyon ng Court of Appeals na nagsabing walang probable cause para kasuhan ang  senador ng kasong murder kung kayat maaari pa rin itong arestuhin.

Ang inihain umanong motion for clarification ng kampo ni Lacson ay patunay lamang na kinikilala nito na hindi pa pinal ang desisyon ng CA  kahalintulad ng nauna nang pagtingin dito ni De Lima kung saan sinabi ng kalihim  na wala sa  depositive portion ng CA ruling na nagsasabing “immediately final and executory” ang naging desisyon nito.

Inamin ni De Lima na kung hindi man house arrest ang hingin ni Lacson ay pabor  din ang DoJ na isailalim ito sa Senate custody, ang importante umano ay matiyak na lulutang ito para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Pag-aaralan naman ng DoJ kung poposasan si Lacson sa oras na lumantad ito. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply