Human rights victims ng Marcos regime mababayaran na

MAKUKUHA na sa wakas ng libu-libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng rehimeng Marcos ang kanilang kompensasyon.

Sa isang press statement na ipinalabas nina Robert Swift at Rod Domingo, abugado ng mga biktima, sa March 1, 2011 ay matatanggap na ng bawat biktima ang paunang halaga na P43,200 na katumbas ng isang libong dolyar.

Una nang inaprubahan nuong Enero ni Honolulu Judge Manuel Real ang pamamahagi ng 7.5 million dollar na halaga ng settlement fund para sa class action suit na inihain noong 1986 ng human rights victim ng Rehimeng Marcos.

Aabot sa 9,539 ang kabuuang bilang ng mga biktima na lumahok sa paghahain ng class suit, pero nabawasan iyon at naging 7,526 na lamang dahil sa isyu ng eligibility.

Tutulong naman ang claimant 1081 sa pag-alalay sa distribusyon ng kompensasyon sa buong bansa na sisimulan sa tanggapan ng CHR sa March 1 para sa mga claimant sa National Capital Region na tatagal ng limang araw.

Sa mga susunod na linggo naman ay ipamamahagi na ang tseke para sa mga claimant na nasa 15 lokasyon sa bansa.

Salig sa kautusan ng korte, pangangasiwaan nina Swift at Domingo ang pamamahagi ng kabayaran sa mga claimant. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply