I-overhaul ang COA – Trillanes

ISANG malawakang overhaul ng buong sistema at patakaran ng Commission on Audit (COA) ang kailangan upang hindi na maulit ang kontrobersiya ukol sa umano’y malawakang katiwalian at pandarambong sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang tinukoy ni Sen. Antonio Trillanes IV sa kanyang hinaing resolusyon na naglalayong baguhin ang sistema, batas, alituntunin at regulasyon na CoA na nagbigay-daan upang makalusot sa pangungurakot ang ilang opisyal ng AFP at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

“There is an apparent need to review, revise and/or overhaul the existing auditing laws, rules and regulations as well as the practices and procedures of the Commission on Audit with the end in view of coming up with proposed legislation to address the obvious and apparent gaps in the current state of the law and relevant rules, regulations as well as COA practices and procedures,” giit sa resolusyon ni Trillanes.

Ang panukala ay umusbong mula sa pagbubulgar ni dating AFP budget officer at retiradong Lt. Col. George Rabusa na umano’y tumatanggap ng 2-porsiyentong komisyon ang resident auditor na si Divina Cabrera sa bawat “conversion” ng sweldo ng mga sundalo sa pondong ginagamit sa “pabaon” at “pasalubong” ng mga heneral ng AFP.

Iniulat ni Sen. Franklin Drilon na mayroon siyang impormasyon na pag-aari ni Cabrera ang ilang maluluho at mamahaling condominium unit sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan. Pinabulaanan ito ng naturang opisyal ng COA.

Sinabi ni Rabusa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III na kasabwat nito si Cabrera upang maireport na walang iregularidad sa nangyayari.

“During the hearing of the Senate Blue Ribbon Committee last 7 February 2011, Cabrera admitted that she knows about the issue of conversion in the AFP but found nothing irregular in the book of accounts of ISAFP,”ayon sa resolusyon ni Trillanes.

Nagtataka si Trillanes kung bakit pinahintulutan ng mga nakatataas kay Cabrera na manatili ito sa ISAFP ng halos 13 taon mula 1991 hangang 2005 gayung ang tour of duty ng isang auditor ay hanggang tatlong taon lamang sa isang institusyon.

Hindi lang sa AFP nagkaroon ng takipan sa kurakutan kundi sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Patunay dito ang pagkakasuspinde at pagkasibak ng 21 auditor noong 2010, habang 46 naman ang kasalukuyang iniimbestigahan.

“This is highly irregular and anomalous because it clearly violated COA’s own Resolution No. 87-6 on 2 November 1987, which sets forth the limit of stay of their auditors in a particular agency to a maximum of three years only,” paliwanag ni Trillanes. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply