Iba pang biktima ng Dominguez brothers ikinanta ni Mendiola

MAPALAD ang ibang biktima ng Dominguez carjacking group dahil pinalaya sila nang hindi nasasaktan matapos tangayin ang kanilang sasakyan.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Alfred Mendiola, isa sa tumatayong saksi sa kaso ng magkapatid na Raymond at Roger Dominguez, kaugnay sa pagkakapatay sa car dealer na si Venson Evangelista.

Sinabi ni Mendiola na masuwerte ang ibang mga biktima ng grupo dahil hindi sinapit ang nangyari kay Evangelista at sa isa pang car dealer na si Emerson Lozano na anak ng  abogadong si Oliver Lozano, na ikinadamay ng driver nitong si Ernani Sensil.

Sa 31-pahinang salaysay na isinulat-kamay ni Mendiola at ibinigay sa mga pulis, ibinulgar ng saksi na may alam siya sa ilang carnapping operations ng Dominguez group kung saan dalawa nga sa mga biktima ay pinakawalan ng mga suspek nang hindi sinasaktan.

Tinukoy ni Mendiola ang isang Monica Atienza na taga-Hagonoy, Bulacan na nagbenta ng Isuzu Altera noong Jan. 11, 2011.
Ibinigay umano ni Roger kay Mendiola ang numero ni Atienza at nagtagumpay naman ang huli na mapapayag itong makipagkita kinabukasan ng tanghali para mating-nan ang nasabing sasakyan.

Napag-alaman na bago umalis sa Hagonoy, inutusan pa umano ni Roger si Mendiola na bumili ng tatlong rolyo ng packaging tapes saka nagtungo ito kay Atienza kasama sina Jayson (Miranda), Napoleon Salamat at isang alyas Joel.

Si Mendiola umano ang nagpanggap na buyer habang si Joel ang mekaniko. Sa kalagitnaan ng test drive ay itinigil nila ang sasakyan saka sumakay sina Jayson at Napoleon Salamat. Kasama ni Atienza noon ang dalawang anak at tiyahin.

Dinala nila ang mga biktima, sa isang safehouse at saka pinalaya sa Tarlac. Binigyan pa umano ng P500 ni Roger si Atienza para may pamasahe ang mga ito pauwi. Jan Sinocruz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply