Ika-26 sunod na talo pinalasap ng Pistons sa Cavs

NAG-ALBUROTO si coach Byron Scott dahil patuloy ang sunud-sunod na talo ng Cleveland Cavaliers.

“I’m mad as hell,” nakasimangot na saad ni Scott na nagkulong sa locker room ng mahigit 30 minuto matapos silang talunin ng Detroit Pistons, 94-103, sa 2010-11 National Basketball Association (NBA) regular season.

“I can deal with losing, especially when our guys play as hard as they have in the last couple weeks. But I find it very hard to deal with when guys don’t come out ready to play,” dagdag pa ni Scott matapos ang ika-26 sunod na talo ng Cavaliers.

Simula Dec. 18, 2010 hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring naipapanalong laban ang Cavs na bumagsak sa 8-45.

Makakalaban ng Cavaliers ang Los Angeles Clippers sa Biyernes (Sabado ng umaga sa Pilipinas) at pagkatapos ay makakaharap nila sa home court ang Washington Wizards na win-less sa road games sa kasalukuyang season.

Ayon kay Piston guard Tracy McGrady na kumana ng pitong puntos, tatlong assists at dalawang rebounds, gusto nitong makita ang labanan ng Cavs at Wizards.

“As crazy as it sounds, I want to see them and Washington play,” sabi ni McGrady. “I don’t wish anyone to have a bad losing streak, but I want them to get to Washington, 0-and-whatever they could be and see whose streak ends. That would be something that would be interesting to watch.”

Si Rodney Stuckey ang nanguna sa scoring para sa Pistons matapos tumikada ng 22 punto, apat na assists at dalawang rebounds habang sinegundahan ito ni Will Bynum na bumira ng 17 puntos at pitong assists.

Sa iba pang laro, tinalo ng Indiana Pacers ang Charlotte Bobcats, 104-103, habang wagi sa overtime ang New Jersey Nets laban sa New Orleans Hornets, 103-101. ELECH DAWA

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply