‘Illegal transactions’ inamin ni Reyes kay Trillanes

INAMIN umano ni yumaong  dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes na may “illegal transactions” nga na nagdadaan sa kanyang tanggapan mula sa sinasabi niyang “itaas” pero hindi niya umano iyon kinunan ng kahit isang kusing, ayon kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa panayam, sinabi ni Trillanes na inihatid umano ng kanyang kaklase sa Philippine Military Academy (PMA) na ayaw niya munang pangalanan ang mga salitang nabanggit matapos iabot sa kanya ang lihim ni Reyes na humihikayat sa mambabatas na ilantad ang “powerful person” na nasa likod ni dating AFP comptroller Gen. Carlos Garcia.

“Inamin niya na may dumadaan na transaksiyon sa kanya na galing sa “itaas”, pero wala umano siyang kinuha rito,” ayon kay Trillanes.

Hinala ni Trillanes na ang nasabing ‘illega transactions” na binanggit ng kanyang mistah ay nanggaling sa “itaas” kaya pikit-mata na lamang iyong inaaprubahan o sinasang-ayunan ni Reyes.

Inihayag pa ni Trillanes na dating aide-de-camp ni Reyes ang kanyang mistah na naghatid ng sulat sa kanya na nailathala sa ilang pahayagan bilang paid ads. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply