Illicit sex sa Araw ng mga Puso bawal

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa mga magsing-irog na mag-ingat sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa kapareha sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Sa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang, ipinayo ni Health Secretary Enrique Ona sa mga nagmamahalan na gumamit ng proteksyon kung kinakailangan at iwasang mag-display ng pagmamahal kung nasa publiko.

“Bawal ang illicit sex sa Araw ng mga Puso!”

Samantala, tiniyak naman ng Kalihim na hindi sila mamimigay ng condoms sa Pebrero 14.

Binigyang diin ni Secretary Ona na sa ngayon ay wala silang programa na nagsasaad na namimigay sila ng libreng condom pero kanyang nilinaw na iyon ay hindi dahil sa natakot sila sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply