Ilocanos galit kay Singson

MASAMA ang loob ng mga Ilocano sa unang distrito ng Ilocos Sur dahil sa hatol na 18 buwan na pagkakulong kay Rep. Ronald Singson sa Hong Kong kaugnay ng kasong illegal drugs.

Ayon sa isang Ilocano reporter, napakababa ng naging hatol kay Singson sa kabila ng napakalaking kahihiyan na ibinigay niya sa kanilang lugar.

Anila, si Singson ang representative ng mga Ilocano sa Kamara kaya nakahihiyang isa pala siyang drug user.

Iba naman ang sinabi ni opposition leader Efren “Rambo” Rafanan, dahil sa halip na siraan ay nalulungkot umano siya sa nangyari sa batang Singson.

Aniya, anumang kahihiyang dinanas ng congressman ay damay na ang lahat ng kanyang nasasakupan kaya hindi siya dapat idiin.

Matatandaang nagpahiwatig si Ronald Singson na magpapadala siya ng resignation letter kapag na-convict sa kanyang kaso, ngunit nagpahiwatig din si dating Gov. Luis Chavit Singson na siya ang papalit sa anak.

Nais naman ni Rafanan na idaan sa special election ang pagpili ng kapalit ni Singson upang hindi magkaroon ng problema.

Ayon naman kay Atty. Salacnib Baterina, tama lang na mag-resign si Rep. Ronald kaysa patalsikin pa siya kapwa mambabatas.

Mas nakakahiya umanong maranasan nito ang naranasan noon ni Rep. Romeo Jalosjos na naharap sa kasong rape.

Ayon naman kay Quezon City Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo, tiyuhin ni Rep. Ronald, payag din siyang mag-resign si Ronald kaysa magkaproblema sa Kamara.

Ani Crisologo, mas maganda ring magkaroon ng special elections tulad ng proposisyon ni Baterina.

Matatandaang nakabinbin sa House committee on ethics ang usapin tungkol sa kalagayan ng kongresista. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply