Imelda nagpaalam sa korte papuntang Cambodia

HINILING ni Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez-Marcos Lunes, Pebrero 28, sa kanyang mosyon sa Sandiganbayan Fifth Division na  bigyan siya ng permiso  para  sa  limang araw na official trip sa Phnom Penh, Cambodia.

Sinabi ng abogado ng 81-anyos na biyuda ni dating  pangulo  Ferdinand  Marcos na si Robert Sison na kabilang ang mambabatas sa three-member delegation sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) Seminar para  sa  “Accelerating the Achievement of MDG-5, through the Role of Women Parliamentarians” mula Marso 9-12 sa Inter-continental Hotel sa Phnom Penh.

Si Rep. Marcos ay kinakailangang kumuha ng kanyang travel permit  sa bawat  oras na siyang lumabas  sa bansa  dahil sa sampu pa nitong natitirang  kasong  graft  sa Sandiganbayan.

Kabilang  sa kaso ang alegasyong may interes ito sa secret foundations at private enterprises nang siya pa ay miyembro ng Interim Batasang Pambansa mula 1978 hanggang 1984.

Inirereklamo na rin ng dating  Unang  Ginang  sa  bagal ng  nasabing kaso dahil 56  taon pa  lamang  siya ng  maisampa  ang kaso laban sa  kanya noong taong 1986.

Sa  tagal na rin aniya ng mga kaso na kanyang kinakaharap ay nagkukulang na siyang  ng pagkukunan ng panustos sa mga kaso kung  saan  ay maging ang pension ng kanyang  beteranong asawa sa Veterans Bank ay nagagamit na rin para sa umaabot sa P750,000 travel bonds na hinihiling ng graft court.

Nilinaw ng mambabatas na gagastusan ng  House of Representatives ang airfare at  maging  ang  daily allowances ng miyembro ng delegasyon habang ang  host country ang siyang sasagot sa hotel accommodations. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply