Impeachment proceedings sa Ombudsman tuloy na

WALANG naging balakid sa House committee on justice sa tuluyang pagsalang sa pagdinig ng impeachment case laban kay Obudsman Merceditas Gutierrez kahit na wala pang naging kasagutan ng ombudsman sa reklamo.

Pursigido ang komite na pinamumunuan ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. na gawing bukas sa publiko ang pagdinig laban kay Ombudsman Gutierrez na uumpisahan sa Marso 1 at tatapusin sa Marso 3.

Payag umano ang komite na ituloy maging sa sumunod na mga linggo ang pagdinig kahit hindi pa sumasagot si Gutierrez.

Iginiit naman ni Gutierrez na mayroon pa siya hanggang Marso 5 sa pagsagot sa mga reklamo hinggil sa nasabing kasong pagpapatalsik sa kanyang pwesto.

Sa panig  naman ng  Kamara, ayon kay Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, ang komite ay nagbigay ng sapat na araw sa kanyang paglatag ng kasagutan sa reklamong grounds of impeachment complaints.

Samantala, hindi pa man inumpisahan ang  pagsalang kay Gutierrez sa komite ay inilatag na ng mga mambabatas ng complainant at endorsers ng kasong pagpapatalsik ang kanilang mga pruweba ng nagiging kapabayaan sa kaniyang tungkulin partikular na ang mga kasong isinampa laban sa mga tauhan ng dating administrasyong Arroyo.

Kahapon sa ginanap na pulong pambalitaan sa Kamara, ipinakita ang sertifikasyon mula  sa Sandiganbayan na wala pang kasong isinasampa ang Ombudsman laban kina  dating Agriculture Secretary Luis “Cito” Lorenzo at Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante sa kasong plunder na P728 milyon fertilizer fund.

Ayon kay Danilo Ramos, secretary-general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), isa  sa  mga complainant, ang nakuha nitong certification sa Sandiganbayan’s Judicial Records Division na may petsang February  25, 2011 ay “no criminal/civil case” na isinampa laban kay Bolante at Lorenzo.

Patunay lamang anila ito na tinutulugan lamang ni Gutierrez sa mga kasong inirekomenda ng Senado hinggil sa fertilizer fund scam. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply