Indecent professor ‘di tatantanan

HINDI tatantanan ni Buhay Partylist Rep. Erwin Tieng, may-akda ng Anti-Cyberboso Law, ang college dean na nag-post ng isang hubad na babae sa kaniyang facebook.

Nais ni Tieng na pagbayaran ng St. Jude College professor na si Alexander Rible ang pagpo-post ng naka-hubad niyang estudyante na pinangalanan lamang na Annika na diumano’y pinilit niyang makatalik kung hindi ay ibabagsak sa klase.

“I have provided Annika a good lawyer to make an example of Rible and others like him  who has no respect for women and basic decency,” giit pa ni Tieng.

Sa ilalim ng anti-cyberboso law, ang sinumang lalabag dito ay makukulong ng mula tatlo hanggang pitong taon at multang mula P100,000 hanggang P500,000.

Sinabi ni Tieng na si Annika ay kinuhanan ng hubad ni Rible habang natutulog at inilagay ito sa facebook hanggang sa pumayag ulit na siya ay sumama sa kaniyang propesor.

Ngunit nang magtatalik na umano sila ay inalerto ni Annika ang mga awtoridad na siyang naging senyales upang si Rible ay arestuhin.

Malaya na si Rible matapos makapag-piyansa.  Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply