Init ng panahon ilang araw mararanasan

MAKARARANAS ang bansa ng maalinsangang panahon bunsod ng pagpawi ng hanging amihan na naghahatid ng malamig na temperatura.

Ayon kay Robert Sawi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomial Services Administration (Pagasa), naibsan na ang hanging amihan kung kaya biglaan din ang pagpapalit ng lagay ng panahon na mararanasan pa sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, nilinaw naman ng Pagasa na pangsamantala lamang ang nararanasang init ng panahon.

Anito, magbabalik din ang malamig na simoy ng hangin na may kasamang pag-ulan sa mga susunod na araw.

Ayon pa sa Pagasa, magiging maaliwalas ang kalangitan sa bansa.

Maglalaro naman ang temparatura sa 23 hanggang 33 degrees Celsius. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply