Iran, Bahrain at Libya dapat bantayan

MABANGIS-BANGIS ang tugon ng mga pamahalaang Iran at Bahrain sa mga nagrarali na gustong tumulad sa nag-People Power sa Egypt.

Wala pa namang gaanong tugon ang pamahalaang Libya sa mga Libyan na paunti-unting nagrarali.

Bagama’t magkaiba ang sitwasyon sa Iran at Bahrain kumpara sa Libya, maganda na ring magbantay nang todo  ang pamahalaan sa tatlong Arabong bansa.

Palo at pumuputok na baril na may bala ang ginagamit ng mga pamahalaang Iran at Bahrain at sa huli, mayroon nang namatay.

Ibig sabihin nito na madugo ang nagaganap sa dalawang bansa.

Sa pagbabantay rito, dapat na mabilis na kumilos ang pamahalaan sa paghahanap ng mga bansang matatakasan ng mga overseas Filipino worker.

Nasaan din ang mga eroplano at airport, nasaan ang mga pier o tabing dagat na posibleng doon maglanding ang mga barko at nasaan ang mga sasakyang pupuwedeng gamitin?

Nasaan ang mga pondong gagamitin? Nasa kamay na ba ng mga opisyal ng pamahalaan na naroroon?

Yang mga programang panlaban sa gutom ay dapat ding tiyakin, mga Bro.

Sa Egypt, katakot-takot na gutom ang inabot ng mga OFW roon dahil naging nakatatakot ang sitwasyon sa paglipana ng mga magnanakaw at naglalabanang grupong magkakaiba ang layunin.

Tingnan ninyo, mahigit palang 200 pulis ang namatay sa kasagsagan ng People Power doon.

Maaaring mangyari rin ito sa Iran at Bahrain.

O kayo riyan sa Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration, ano-ano na ang ginagawa ninyo?

Bakod sa mga bahay gawing see-through

Mabuhay po kayo! Proposal lang po na gawing batas ang mataas at blangkong fence sa harap ng bahay o building dahil sa itinatago nito ang mga krimen, drug, carnapping, kidnapping, terrorist hideout, illegal alien, etc. Kapag naipasa ito, malaki pong deterrent sa krimen. What I mean ay ipagbawal. Kailangan po ay see-thru sa harap.

Mula kay Rizalde P.  Ybardolaza, 49 years old, Tagaytay City.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.phBenny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply