Isa pang Edsa revolt hindi kailangan

NANINIWALA si Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila, na hindi na kinakailangan ng Pilipinas ng isa pang Edsa People Power revolt.

Ayon kay Pascual, na pangulo rin ng church-run Radio Veritas, tama na ang isang beses na Edsa People Power.

“Another Edsa is no longer needed because once is enough. It takes only a seed to change the world,”ani Pascual.

Samantala, ilan naman sa mga obispong miyembro ng Catholic Bishops’ Conference of the  Philippines (CBCP) ang nagpahayag ng pagkadismaya sa mistulang pagkalimot na ng publiko sa tunay na mensahe ng Edsa 1.

Ayon kay Caceres Archbishop Leonardo Legaspi, dismayado siya dahil 25 taon na ang nakalipas na Edsa People Power revolt pero wala pa ring pagbabago at halos katulad pa rin ang problema na kinakaharap ng mga Pilipino.

Para naman kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, ang problema ay ang pangakong reporma sa pamahalaan na nananatiling problema pa rin hanggang ngayon.  Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply