Isa pang Edsa revolution hindi na kailangan

NANINIWALA si Father Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila na hindi na kinakailangan ng Pilipinas ng isa pang Edsa people power revolution.

Ayon kay Pascual, na pangulo rin ng church-run Radio Veritas, tama na ang isang beses na Edsa people power.

Paliwanag nito,  ang mahalaga lang umano ay may isang “binhi” na itinanim para magkaroon ng pagbabago.

“Another Edsa is no longer needed because once is enough. It takes only a seed to change the world,”ani Pascual.

Samantala, ilan naman sa mga obispong miyembro ng Catholic Bishops’ Conference of the  Philippines (CBCP) ang nagpahayag ng pagkadismaya sa mistulang pagkalimot na ng publiko sa tunay na mensahe ng EDSA 1.

Ayon kay Caceres Archbishop Leonardo Legaspi, dismayado siya dahil 25 taon na ang nakalipas na EDSA people power revolution pero wala pa ring pagbabago at halos katulad pa rin ang problema na kinakaharap ng mga Pilipino.

Para naman kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, ang problema ay ang pangakong reporma sa pamahalaan na nananatiling problema pa rin hanggang ngayon.

Matatandaan na una nang naging matagumpay ang ginawang People Power sa Egypt na sinundan din ng pag-aaklas ng mamamayan laban sa pamahalaan sa Yemen, Bahrain at Libya. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply