Isa pang impeachment case nakaamba vs Gutierrez

NAGBANTA ang isang kongresista na sasamapahan nito ng isa pang impeachment case si Ombudsman Merceditas Gutierrez kapag hindi binawi ang plea bargaining agreement na pinasok ng kanyang opisina kay dating Armed Forces comptroller Carlos Garcia kahit hindi pa tapos ang naunang impeachment proceedings laban sa Ombudsman.

“That is what I will do for the one year. I will file on Aug 11, 2011, that is, if she will not withdraw the PBA (plea bargaining agreement),” tahasang sabi ni House Assistant Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Kasabay nito ay tiniyak din ng mambabatas na bukas sa publiko ang gagawing marathon hearing simula Martes.

“All our hearings will be open to the public. Impeachment is all about public accountability of the highest government officials.  We had given, are giving, and will give her every opportunity to present her side before the justice committee within the time we gave her,” ani Fariñas.

Idinagdag niyang magtutuloy ang hearing sa Marso 1, 2, 8 and 9 kahit hindi sumagot si Gutierrez.

Sa panig naman ni Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr., chairman ng House committee on justice, ay sinabi niyang ang impeachment hearing ay “open to public.”

“If the Ombudsman does not submit her answer by tomorrow, a general denial will be entered on her behalf. Then on Tuesday, the committee will proceed on the determination of the sufficiency of the grounds for impeachment,” ayon sa mambabatas.

Kung mananaig aniya sa botohan na may sapat na grounds, si Gutierrez ay may tatlong araw para isagawa ang clarificatory hearings.

“If the committee votes that the grounds are sufficient, three days will be allotted for clarificatory hearings before the vote on probable cause,” paglilinaw pa ni Tupas. Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply