Isabela mayor, 6 pa sugatan sa banggaan

SUGATAN ang anim katao, kabilang si Cabanatuan Isabela Mayor Cid Dayrit makaraang magbanggaan ang Nissan Urvan at Isuzu Elf sa San Fermin, Cauayan City.

Himala namang nakaligtas sa aksidente si Mayor Dayrit sa kabila nang pagkaduorg ng kanyang Nissan Urvan, habang mahigit isang oras na naipit ang kanyang driver na si Restituto Calimada bago nahugot ng mga tauhan ng Rescue 922  mula sa sasakyan.

Kasama rin sa nasugatan ang kanyang police security escort at ang kawani ng munisipyo na si Manolo Borromeo.

Sa inisyal na report, papauwi sa Cabanatuan sina Dayrit nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa Isuzu Elf na nag-overtake sa isang pampasaherong jeep sa provincial road sa San Fermin, Cauayan City.

Naipit din ang babaing driver ng elf na si Christina Buenas, ng Aurora Isabela habang malubhang nasugatan ang kasama niyang bata.

Tinakbo sa Cauayan Medical Specialist ang mga biktima upang mabigyan ng karampatang lunas. Marjorie Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login