Isang pangbingwit ng isda, biningwit ng tulisang pulis

PAG minalas nga naman ang isang  tao kahit nasaan pa siya ay darating at dara-ting ang kamalasan sa buhay niya.

Gaya na lang ng nangyari sa magkaibigang Popot at Dan na sinita ng isang tulisang pulis habang ang mga ito ay tahimik na namimingwit ng isda sa Roxas Blvd. sa Cultural Center.

Sinita at saka pinagbintangan ng pulis na si PO2 Juanchito Sideco ng MPD-PS9 ang magkaibigan na nag-iinuman malapit sa dagat. Ang siste wala namang nakita ni isang bote ng alak ang naturang pulis.

Gayunpaman ay kinumpiska pa rin ng pulis ang limang  gamit sa pamimingwit ng magkaibigan na ang halaga ng bawat isa ay  P1500. Dahil dito ay nilapitan ng isa sa media ang kakilala nitong pulis sa PS9 para pakiusapan ang kabaro niyang si Sideco. Subalit nung pinakiusapan na ng pulis ang kabaro niya para sabihing may nakikiusap na media, nag-sabi lang ang huli sa una na may kaibigan din siyang media.

Di kalaunan ay ibinalik na rin ni Sideco ang mga kinumpiska nito. Ang masakit ay kulang ng isa at kung alin ang pinakamalaki at bago ay ‘yun pa ang dinugas. Tama ba ang ginagawa ng pulis mo, PS9 chief  Supt. Frumencio Bernal???

Tuloy ang pagdarasal sa 3 Pinoy

Sa Lunes ay dapat na ipagpatuloy ang people power sa pamamagitan ng pag-darasal para sa 3 Pilipino na bibitayin sa Tsina. Ito ang  panawagan ni Executive Sec. Paquito Ochoa.
Kahit hindi tinuloy ang pagbitay sa 3 ay hiniling pa rin ni Ochoa sa sambayanan na magkaisa sa pagdarasal na paunlakan ng Tsina ang kahilingan ng Pilipinas na gawin na lang na habambuhay na pagkabilanggo ang hatol na kamatayan.

Sinabi ni Ochoa na natutuwa siya sa naging pasya ng Tsina sa pagpapaliban ng pagbitay sa tatlo at sinabi niyang sana ay makaligtas ang 3 sa parusang kamatayan.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply