Jail warden ng Rizal sibak dahil sa pagtakas

SINIBAK na ang jail warden ng Rizal District Jail sa Teresa, Rizal, kung saan limang preso ang nagtangkang tumakas Lunes ng madaling araw.

Inalis ni Jail Director Rosendo Dial, hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa kanyang puwesto si Jail Supt. Amado Concepcion makaraang mangyari ang pagtatangkang pagtakas.

Isa sa mga bilanggo ang namatay, tatlo ang nasaktan at ang isa ay tuluyang nakatakas sa nasabing insidente. Naagawan din ng baril ang isa sa jailguard.

Dakong alas-dos ng madaling araw nang tumakas sina: Mario Cruz, 50; Gary Borja, 35, Reynaldo Tampepe, 34, Norman Poliarca, 24, at Jomer Cruz.

Si Mario Cruz ay napatay at nadakip naman sina Borja, Tampepe at Poliarca. Pinaghahanap pa si Jomer Cruz.

Ang nasabing mga suspek ay sangkot sa mga kasong murder at iligal na droga sa bayan ng Taytay.

Ipinag-utos na rin ni Rizal PNP director Senior Supt. Manuel Prieto ang malawakang operasyon para madakip ang nasabing pugante. Jhie Convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply